Home METRO Doble-dobleng street sign sa Maynila ipinaaalis ni Isko

Doble-dobleng street sign sa Maynila ipinaaalis ni Isko

226
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Mayor Francisco `Isko Moreno’ Domagoso ang pag-aalis sa doble-dobleng street signs sa lungsod ng Maynila.

Sa episode ng “Yorme’s Hour,” ipinakita ni Moreno ang post na nagpapakita ng doble-dobleng street sign na may kaparehong pangalan ng kalsada.

“To our countrymen, that’s what we call spending government resources without any reason,” ayon sa alkalde.

Ipinakita rin nito ang report na may pamagat na “Installation of Reflectorized Street Name Signages” na matatagpuan sa districts 1 hanggang 6, na nagkakahalaga ng P39.9 milyon ang project cost.

Ipinunto ni Moreno na ang mga proyekto ay hindi nagmula sa kanyang administrasyon, at sinabing ang kontrata para sa proyekto ay may petsang Disyembre 2024. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here