Home NATIONWIDE Doble Plaka Law, aamendahan ng Senado: ‘Repressive, unsafe’

Doble Plaka Law, aamendahan ng Senado: ‘Repressive, unsafe’

MANILA, Philippines – Sinuportahan ng ilang senador ang planong aamendahan ang Republic Act No. 11235 o mas kilala bilang Doble Plaka Act na itinuturing na “mapanupil at hindi ligtas sa motorista.

Sa kanyang interpelasyon sa Senate Bill (SB) 2555, na panukalang aamendahan ang RA 11235, sinabi ni Senador Robinhood Padilla na hindi nakamit ng umiiral na batas na sugpuin ang “riding-in-tandem” crimes.

“Ako po ay isa sa mga rider na umaasa na magkaroon ng pagbabago sa batas na ito sapagka’t hindi ito talaga nakatulong sa anumang usapin,” aniya.

Sinabi ng senador na hindi maipatupad n Land Transportation Office (LTO) ang batas nang mahusay dahil aabot lamang sa 1.4 million motorcycles ang nakarehistro, at mahigit 10 milyon ang hindi.

“Kaya kung ito ang sinasabi mismo ng LTO na di nila ma-implement, siguro dapat nang baguhin ang Doble Plaka law, ayon sa senador.

Binanggit din ni Padilla ang posibleng banta sa rider kung kinakailangang sundin ang batas na maglagay ng plaka sa harap at likod ng motorsiklo na hindi nakadesenyo sa ganitong sistema.

“Meron ding issue ang ating rider sa safety ng rider. Meron din bang issue patungkol sa full force wind blast? Tumatama yan sa mukha mo, ayon sa senador.

Tinukoy naman ni Senador Francis Tolentino, isa sa awtor at isponsor ng SB 2555, ang datos mula sa Philippine National Police Highway Patrol Group na nagpapakita na mula sa 1.4 million registered motorcycles nitong October 2023, aabot lamang 57 ang sangkot sa “riding-in-tandem” crimes.

Sinabi ni Tolentino na magkakaroon ng negatibong epekto sa Filipino ang batas dahil ginagamit ng mamamayan ang kanilang motorsiklo sa paghahatid ng kabiyak, ng anak sa eskuwelahan at kanilang hanapbuhay bilang delivery riders.

“Hindi sila kriminal… Hindi natin sila dapat ituring na kriminal,” giit niya.

Ikinatuwiran din ng senador na bukod dito, sinuspinde ng LTO ang implementasyon ng batas dahil mayroon silang backlog sa motorcycle license plates, na umabot na sa 10 million nitong Feb. 29 sa taong kasalukuyan

Ayon kay Senador JV Ejercito, isa sa awtor ng SB 2555, na backlog ang isa sa dahilan kung bakit sinuportahan niya ang panukala.

“Kung may batas na di ma-implement, dapat siguro baguhin. Para saan pa yan,” aniya. Ernie Reyes

Previous article1 patay, 10 sugatan sa bus na nag-dive sa bangin; drayber umeskapo!
Next article10 taong anibersaryo ng pagkawala ng MH370 plane inalala