Home METRO 1 patay, 10 sugatan sa bus na nag-dive sa bangin; drayber umeskapo!

1 patay, 10 sugatan sa bus na nag-dive sa bangin; drayber umeskapo!

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela – Sugatan ang nasa 10  pasahero matapos bumulusok ang isang provincial bus sa bangin sa Barangay San Juan dito nitong Huwebes ng gabi, Marso 7.

Tumakas umano ang driver ng Victory Liner bus na may body number 7252 matapos ang aksidente.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng provincial bus nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa mga ulat, unang bumangga ang bus sa isang motorsiklo bago nahulog sa bangin.

Dead on the spot ang driver ng motorsiklo.

Iniimbestigahan ng pulisya ang aksidente. RNT

Previous article24 ektarya ng kagubatan naabo sa forest fire
Next articleDoble Plaka Law, aamendahan ng Senado: ‘Repressive, unsafe’