Home NATIONWIDE Doc Willie Ong tatakbong senador; iba pang partylist nakapaghain na ng CON-CAN

Doc Willie Ong tatakbong senador; iba pang partylist nakapaghain na ng CON-CAN

118
0
Larawan kuha ni Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Nasa dalawang partylist at dalawang aspirant sa pagka-senador ang naghain ng kanilang certificate of candidancy (COC) at certificate of nomination and certificate of acceptance of nomination (CON-CAN).

Si Doc Willie Ong, sa pamamagitan ni Dra. Liza Ong, ay naghain ng kanyang kandidatura bilang senatorial aspirant.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Doc Willie Ong ay kasalukuyang sumasailalim sa medical treatment dahil sa kanyang cancer ngunit desidido pa rin itong tumakbo sa pagka-senador upang makatulong sa mamamayang Pilipino pagdating sa kalusugan.

Si Doc Willie ay tumakbo na rin sa national election bilang bise presidente noong nagdaang national election ngunit hindi pinalad na manalo.

Unang nagpasa  ng CON-CAN ang 1 Agila Partylist na dalawang beses bumalik dahil sa may kulang na kinakailangang dokumento.

Sumunod naman ay ang independent candidate na si Jose Bunilla na mula pa Agusan Del Sur na dating board member ng Sangguniang Bayan.

Si Bunilla ay humarap sa media saka umamin sa kauna-unahang pagkakataon na miyembro siya ng LGBT Community.

Ikatlong naghain ng Con-Can  si Arlyn Ayon ng Swerte Partlist na sinabing tututok sa solo parents sakaling maupo sa Kamara. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here