MNILA, Philippines – Bumaha ang pagbati mula sa iba’t-ibang boksingero ng bansa matapos umangat ang ranking sa World Boxing Organization ni Pinoy super bantamweight champion Carl Jammes “Wonder Boy” Martin.
Ayon sa inilabas na ranking ng WBO, nasa number 2 na ang boksingero mula sa Lagaw, Ifugao.
Nasa unahang pwesto pa rin si Japanese sensation Naoya Inoue habang nasa pangatlong puwesto si Sam Goodman.
Hawak ni Martin ang 24 panalo at wala pang talo na may 19 knockouts habang si Inoue ay mayroong 28 panalo at wala pang talo at si Goodman naman ay mayroong 19 panalo at wala pang talo.
Malaking hamon kay Martin na matapatan si Inoue na undisputed champion sa apat na major title sa WBO, WBC, IBF at WBA.
Matatandaang pinatumba Martin si Chaiwat Buatkrathok ng Thailand noong Disyembre para makuha ang WBO Global super bantamweight title sa laban na ginanap sa Pilipinas.
Sa ngayon nakatuon ang atensyon niya sa title eliminator kung saan itinuturong magkakaharap ni Pinoy boxer Marlon Tapales si Inoue.






