Home NATIONWIDE DOE bukas sa bagong coal plants sa pangamba sa energy crisis

DOE bukas sa bagong coal plants sa pangamba sa energy crisis

97
0

MANILA, Philippines — Sinabi ng Department of Energy na bukas ito sa posibilidad na alisin ang moratorium sa pagtatayo ng mga bagong coal-fired power plants habang nanganganib ang pandaigdigang suplay ng langis dahil sa sigalot sa Middle East.

“We are open to coal as long as it’s cleaner technology, and there will be a transition plan to eventually transition to cleaner,” ayon kay Energy Secretary Sharon Garin.

Nauna nang iminungkahi ni Department of Economy, Planning, and Development Secretary Arsenio Balisacan ang pag-alis sa anim na taong moratorium upang palakasin ang energy security ng bansa sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Ayon kay Garin, nagpalabas na ang DOE noong nakaraang taon ng circular na nagpapahintulot sa coal plants para sa “own use, or if there’s an energy crisis or other circumstances that would justify” it.

“In times of crisis, coal still remains one of the cheapest options we have for power generation,” dagdag niya.

Sinabi rin niyang pinag-aaralan ng ahensya kung palalawakin ang kasalukuyang exceptions, ngunit binigyang-diin na ang agarang problema ay presyo ng diesel na mas malaking usapin sa transportasyon kaysa power generation.

Dagdag pa ni Garin, tinitingnan din ng pamahalaan ang ibang energy sources gaya ng renewable energy at nuclear energy.

Nauna nang sinabi ng DOE na 63% ng power generation ng bansa ay mula pa rin sa coal. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here