Home NATIONWIDE DOE, ERC kinastigo sa yellow, red alerts sa Pinas

DOE, ERC kinastigo sa yellow, red alerts sa Pinas

Manila, Philippines- Kinastigo ni Senador Francis Chiz Escudero ang Department of Energy at Energy Regulatory Commission sa kabiguan nilang regular na magsagawa ng inspeksyon at beripikahin ang kondisyon ng mga power plant dahil sa kawalan ng maaasahang tauhan.

Sa pagdinig ng Senate committee on energy kaugnay sa naranasang yellow at red alerts sa bansa, inamin ng DOE at ERC na nagsasagawa lamang sila ng inspeksyon ng power plants kada limang taon at nakadepende na lang sa ulat ng power generation firms.

“These are private corporations that are for profit, which is admittedly pin-rivatize nga natin eh. So tinatanggap natin na itong mga kompanyang ito, gusto kumita. Kung kailangan palitan ‘yung filter, kulang pa ‘yung budget, nagtitipid ‘yung kumpanya, linisin na muna natin, you won’t even know about that, right?” tanong ni Escudero.

“Because you’re dependent on their submissions. Even what you said earlier every five years. You require them to submit, but nobody actually from ERC or even DOE goes to the plant who understands the plant, and will be able to see and say, bakit hindi n’yo pinalitan ito, ‘di ba dapat pinalitan na ito two years ago, nobody is competent in both ERC and DOE and thus that actually, right? ” dagdag ng senador.

Hindi rin tinanggap ng senador ang paliwanag ng mga ahensya na kulang sila ng staff.

Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng pagsasagawa ng personal inspection sa mga power plant, makaraang 35 unplanned outages ang nangyari noong April 16 na nagresulata sa deklarasyon ng red at yellow alerts sa Luzon at Visayas.

Noong April 17, may walong planned at 27 planned outages; 7 planned at 26 unplanned noong April 18, at 6 planned at 19 unplanned outages noong. May 6.

Hindi rin binigyang halaga ni Escudero ang pahayag ng ERC na nagpataw na ito ng P60 million penalties laban sa mga pasaway na generation companies, dahil mula 2020 hanggang 2023, nasa 4,000 outages ang naganap. RNT