MANILA, Philippines- Itinanggi ng Tsina na nagsasagawa ito ng reclamation activities sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea kasunod ng ulat mula sa Philippine Coast Guard (PCG) na nagtatayo ito ng artificial island doon.
Para kay China’s Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin, ang akusasyon ng Pilipinas is sheer rumor,” at isang “irresponsible claim designed to vilify China and mislead the international community.”
Nauna rito, sinabi ni Wang na walang nagtagumpay sa “tsismis” na tangka umanong ipinakalat ng Pilipinas.
“China urges the Philippines to stop making irresponsible remarks, face up to the facts and return to the right track of properly handling maritime disputes through negotiation and consultation,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni PCG spokesman Jay Tarriela na nag-deploy na ang ahensya ng barko sa shoal, isang meet-up point para sa mga barko para magsagawa ng resupply missions sa grounded Sierra Madre, para pigilan ang Tsina sa reclamation activity nito.
Ito’y matapos na madiskubre ng PCG ang mga patay at durog na coral na itinambak sa Sabina Shoal. Kris Jose