Home HOME BANNER STORY DOE: Fuel prices maaaring bumalik sa normal sa loob ng 6–12 buwan...

DOE: Fuel prices maaaring bumalik sa normal sa loob ng 6–12 buwan kung magtuloy ang US-Iran peace deal

1
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Energy (DOE), posibleng bumalik sa normal ang presyo ng langis sa loob ng 6 hanggang 12 buwan kung matutuloy ang kasunduan ng United States at Iran na layong tapusin ang digmaan sa Middle East.

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na ngayong linggo ay inaasahan ang malaking rollback sa presyo ng diesel na ₱5.71 kada litro at kerosene na ₱2.50 kada litro. Samantala, ang gasolina ay maaaring bumaba ng ₱0.32 o tumaas ng hanggang ₱1.68 kada litro.

Ayon sa DOE, posibleng bumaba ang presyo ng langis dahil sa positibong reaksyon ng pandaigdigang merkado matapos ianunsyo ang usapang pangkapayapaan at posibleng pagbubukas muli ng Strait of Hormuz, na dinadaanan ng malaking bahagi ng langis na ginagamit ng Pilipinas.

“The prospect of the resumption of oil shipments through that waterway… is a positive development we are watching closely and cautiously with optimism,” sabi ni Garin.

Gayunman, sinabi ng DOE na hindi agad babalik sa dating presyo ang langis, na dating nasa ₱50–₱60 kada litro para sa diesel, dahil kailangan pa ng panahon para maibalik ang supply sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa Energy Undersecretary, maaaring umabot pa ng 6 hanggang 12 buwan bago tuluyang bumalik sa normal ang presyo dahil hindi agad naaayos ang supply chain.

Dagdag ng DOE, kahit bumaba ang presyo ng langis, mananatili pa rin ang state of energy emergency hanggang sa tuluyang bumaba ang inflation at maging stable ang ekonomiya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here