Home NATIONWIDE DOE: Fuel subsidy ‘di pa kailangan sa ngayon sa pagbaba ng presyo...

DOE: Fuel subsidy ‘di pa kailangan sa ngayon sa pagbaba ng presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines – Posibleng hindi pa kailangan sa ngayon ang fuel subsidy program ng pamahalaan para sa public transport at agriculture sectors dahil sa pagbaba ng presyo ng crude oil sa international market, sinabi ni Department of Energy officer-in-charge Sharon Garin nitong Martes, Hunyo 24.

Ani Garin, ang average price ng crude oil ay nasa $69 per barrel makaraang ianunsyo ni US President Donald Trump ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.

“Mind you, because of the lowering of the prices internationally, it might go lower also… baka hindi na kailangan ng ayuda,” sinabi ni Garin.

Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, P2.5 bilyong badyet ang inilaan para sa fuel subsidy ng public transport sector na ilalabas sa oras na ang average price ng crude oil ay umabot sa $80 per barrel threshold.

Kumalma ani Garin, ang industriya sa anunsyo ni Trump.

“There’s less speculation, so it went down to $69 as of this morning.”

Dahil dito, “technically” ay hindi kailangan sa panahong ito ang fuel subsidy dahil hindi pa umabot sa $80 ang presyo ng crude oil.

Sa kabila nito, sinabi ni Garin na handa ang pamahalaan na ipamahagi ito anumang oras.

“All agencies are bracing for impact, even parang wala namang impact pero we’re still preparing for it,” sinabi niya. RNT/JGC