Home NATIONWIDE Nuclear program ng Iran ‘di tuluyang nasira ng air strike ng US

Nuclear program ng Iran ‘di tuluyang nasira ng air strike ng US

IRAN – Sa classified preliminary US intelligence report ay inihayag na hindi tuluyang nasira ng mga strike ng Estados Unidos ang nuclear program ng Iran.

Nitong Martes, Hunyo 24, sinabi na sa pagsusuri ng Defense Intelligence Agency ay nakita na hindi tuluyang nasira ng strike nitong weekend ang centrifuges o stockpile ng enriched uranium ng Iran.

Nagawang mabarahan ng mga strike ang mga pasukan patungo sa ilang pasilidad ngunit hindi umano nasira ang mga underground building.

Kinumpirma naman ni White House Press Secretary Karline Leavitt na ito ay “flat-out wrong and was classified as ‘top secret’ but was still leaked.”

“The leaking of this alleged assessment is a clear attempt to demean President Trump, and discredit the brave fighter pilots who conducted a perfectly executed mission to obliterate Iran’s nuclear program,” ayon pa kay Leavitt.

“Everyone knows what happens when you drop fourteen 30,000 pound bombs perfectly on their targets: total obliteration,” dagdag pa.

Matatandaan na sinapul ng US B-2 bombers ang dalawang nuclear sites ng Iran gamit ang malalaking GBU-57 bunker-buster bombs, habang inatake naman ng guided missile submarine ang ikatlong site gamit ang Tomahawk cruise missiles.

Tinawag ni Trump ang mga strike bilang “spectacular military success” at sinabing napuksa nila ang mga nuclear sites.

Sinabi rin ni Defense Secretary Pete Hegseth na ang pwersa ng Washington “devastated the Iranian nuclear program.” RNT/JGC