MANILA, Philippines – Nakakuha ng mga kontrata ang Department of Energy (DOE) para sa paghahatid ng isang milyong bariles ng diesel na sapat para sa limang araw na gamit ng bansa.
Ang kasunduan sa supplier ay isinapinal sa pamamagitan ng Philippine National Oil Company Exploration Corp., at ang mga kargamento ay inaasahang darating sa Pilipinas sa mga susunod na linggo.
Hindi naman ibinahagi ng DOE ang partner suppliers nito ngunit sinabi na inaaral ng ahensya ang iba pang posibleng provider hindi lamang sa Southeast Asia kundi maging sa Japan, Canada, at Estados Unidos.
Ang bagong mga kasunduan ay katumbas ng 165.67 milyong litro na bahagi ng kasalukuyang target ng pamahalaan na bumili ng dalawang milyong litro ng diesel na may investment ng nasa P20 bilyon.
Noong nakaraang linggo ay natanggap ng bansa ang kauna-unahang kargamento ng government-procured diesel, taglay ang 22.57 milyong litro ng diesel o 142,000 bariles. RNT/JGC