Home HOME BANNER STORY DOE: Suplay ng langis sa bansa, aabot pa ng 50 araw

DOE: Suplay ng langis sa bansa, aabot pa ng 50 araw

112
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat pa ang suplay ng fuel sa Pilipinas na tatagal ng humigit-kumulang 50 araw, o hanggang unang bahagi ng Hunyo, sa gitna ng patuloy na global oil price volatility.

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, ang average inventory ng bansa ay nasa 50 araw: 36 araw para sa liquefied petroleum gas (LPG), 49 araw para sa diesel, 54 araw para sa gasolina, at 105 araw para sa kerosene.

“I think we will reach about 50 days by today on average… maganda pa naman ‘yung supply level natin,” ani Garin, ngunit sinabi niyang nakadepende pa rin ito sa sitwasyon sa Middle East at sa Strait of Hormuz.

Ipinaliwanag niya na ang 50 araw na supply ay hindi nangangahulugang mauubos agad ang langis, kundi nagbibigay ito ng panahon para makapag-replenish habang patuloy ang konsumo.

“With this number, we are given 50 days to make the replenishment,” dagdag niya.

Dahil pinakamababa ang inventory ng LPG, sinabi ng DOE na umorder na ng karagdagang supply ang Philippine National Oil Company (PNOC) noong Abril 13, 2026, bagama’t hindi pa inilalabas ang detalye ng volume at pinanggalingan.

Patuloy ang pagtaas-baba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa tensyon sa Middle East at mga usaping may kinalaman sa Strait of Hormuz.

Sa loob ng bansa, may rollback sa presyo ng gasolina noong Abril 14, ngunit hindi pa rin nito nababawi ang sunod-sunod na pagtaas sa nakaraang mga linggo.

“We are really at the mercy of these countries. We are not even part of it,” ani Garin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here