MANILA, Philippines- Mahigit 36,000 indibidwal ang tinamaan ng dengue virus noong unang bahagi ng Agosto, habang ang bilang ng mga nasawi ngayong taon dahil sa sakit ay tumaas sa 546, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Huwebes.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, nanatili ang dengue uptrend ngayong tag-ulan dahil ang 29,021 kaso na naitala noong Hulyo 21-Agosto 3 ay tumaas ng 25% noong Agosto 4-17, na may 36,335 kaso.
Nagpakita ang lahat ng rehiyon maliban sa Mimaropa, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro ng pagtaas ng mga kaso sa unang dalawang linggo ng Agosto.
Sa pagpasok ng taon hanggang Setyembre 6, may kabuuang 208,965 kaso ng dengue ang naitala—mas mataas ng 68% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 124,157 kaso.
Mayroon ding 546 pagkamatay na naiulat ngayong 2024 dahil sa dengue. Isinasalin ito sa isang case fatality rate na 0.26%, bumaba mula noong nakaraang taon na 0.39%.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang mas mababang pagkamatay ay maaaring dahil sa pinabuting pag-uugali sa kalusugan o pamamahala ng kaso.
Ang DOH ay laging nagpapaalala sa publiko na isagawa ang 4S strategy laban sa dengue: “Search and destroy breeding places; Secure self-protection; Seek early consultation; at Support fogging or spraying in hot spot areas, especially during the rainy season.” Jocelyn Tabangcura-Domenden