Home NATIONWIDE DOH chief binatikos sa larawang kasama mga opisyal ng tobacco industry

DOH chief binatikos sa larawang kasama mga opisyal ng tobacco industry

MANILA, Philippines – Binatikos si Health Secretary Ted Herbosa matapos lumabas sa isang larawan kasama ang mga opisyal ng Philip Morris Fortune Tobacco Co. sa isang event sa Malacañang.

Ayon sa Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA), nilabag ni Herbosa ang DOH-Civil Service Commission (CSC) circular na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na makipag-ugnayan sa industriya ng tabako.

Ayon kay SEATCA executive director Ulysses Dorotheo, isinakripisyo ni Herbosa ang prinsipyo ng pampublikong kalusugan para sa pulitikal na interes.

“Worse than the hypocrisy of the tobacco industry (in donating mobile clinics while causing deaths and diseases) is the lack of integrity of the Secretary of Health attending this event and posing happily for a group photo, trading public health principles and ethics for political convenience and violating CSC-DOH Joint Memorandum Circular 2010-01,” ani Dorotheo sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, nalagay sa alanganin ang kredibilidad ni Herbosa bilang susunod na pangulo ng World Health Assembly (WHA) sa Mayo, at iginiit na hindi karapat-dapat ang kasalukuyang administrasyon ng Pilipinas na pamunuan ito. RNT