Home METRO Call center agent pisak sa firetruck

Call center agent pisak sa firetruck

CEBU CITY- PATAY ang isang call center agent matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang firetruck na rumesponde ng sunog, iniulat kahapon sa bayan ng Mandaue.

Kinilala ang biktimang si Juan Paulo Mindo, 23-anyos, at residente ng Sitio Sunlot, Barangay Calawisan, Lapu-Lapu City.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mercy Villaro, tagapagsalita ng Mandaue City Police Office, bandang 8:00 PM ng maganap ang insidente sa Zone Talong, Barangay Paknaan, Mandaue City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, humaharurot ang firetruck ng Cebu Filipino-Chinese Volunteers Fire Brigade sa kanto ng A.C. Cortes at Plaridel Street intersection, Barangay Cambaro, Mandaue City para rumesponde sa naganap sa sunog sa naturang lugar.

Habang naka-redlight tumakbo ang firetruck dahil naka green light naman kay Mindo mabilis na pinatakbo nito ang kanyang motorsiklo, dahilan para mag salpukan ang mga ito.

Agad naman isinugod sa Mandaue City Hospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng fire truck at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with damage to property./Mary Anne Sapico