MANILA, Philippines – Nagkaroon ng kaguluhan sa isang libreng konsiyerto sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal, nitong Sabado, kung saan tinatayang 3,000 katao, karamihan ay mga menor de edad, ang dumalo.
Ayon sa ilang saksi, payapa ang simula ng konsiyerto, ngunit nauwi ito sa tulakan, sipa, suntukan, at pagbato ng mga hadlang at tsinelas.
Isa sa mga nasaktan ang nasa kustodiya na ng Taytay PNP, at ang kanyang salaysay ang gagamitin upang matukoy ang iba pang sangkot.
Batay sa kanyang pahayag, isang grupo ng menor de edad ang humarang sa kanila at naghagis ng plastik na harang, na naging mitsa ng kaguluhan.
Patuloy ang imbestigasyon upang mahuli ang mga responsable sa insidente. RNT