Home NATIONWIDE DOH code white alert dahil kay Domeng

DOH code white alert dahil kay Domeng

25
0

MANILA, Philippines – Nagpatupad ang Department of Health (DOH) ng code white alert bilang paghahanda sa pagtugon sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng Bagyong Domeng.

Sa ilalim ng code white alert, nakaalerto ang mga Centers for Health Development (CHD) o mga regional office ng DOH. Inihahanda rin ng ahensya ang mga gamot at hygiene kits, kagamitang medikal, at mga health emergency team.

Ayon sa DOH, inatasan din ang lahat ng CHD na manatiling alerto 24 oras kada araw upang agad makapagbigay ng kinakailangang tulong sa mga maaapektuhang lugar.

Bandang alas-3 ng hapon nitong Sabado, namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 815 kilometro silangan ng Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 150 kph. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kph. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here