MANILA, Philippines – Bilang paghahanda at pagtugon sa mga posibleng epekto ng Bagyong Inday sa bansa– ang Department of Health (DOH) ay nagdeklara na ng Code White Alert (CWA) ngayong araw.
Sa ilalim ng alert status na ito, ang DOH Operations Center ay nakaalerto 24/7 para sa mabilis na pagtugon sa mga apektadong komunidad.
Patuloy rin ang koordinasyon ng DOH sa National Disaster Risk Reduction Management Center (NDRRMC), local government units at regional disaster units.
Ayon sa DOH patuloy na nakaantabay ang DOH para matiyak ang mabilis na pagtugon at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng super typhoon Inday.
Ayon sa weather forecast ng PAGASA asahan na papasok sa Philippine area of responsibility ang bagyo na may international name na Bavi Martes ng gabi o Miyerkules. Jocelyn Tabangcura-Domenden