Home OPINION DOH HOSPITAL WARD ACCOMMODATION, LIMITADO BED CAPACITY SA PASYENTE

DOH HOSPITAL WARD ACCOMMODATION, LIMITADO BED CAPACITY SA PASYENTE

305
0

SA nakaraang ika-apat na State of the Nation Address o SONA ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., maraming iniulat ang Pangulo sa kanyang talumpati. Isa na nga rito ang implementasyon ng NBB o No Balance Billing sa lahat ng mga ospital na pinatatakbo ng DOH o Department of Health sa buong bansa.

Hindi naman na bago ang NBB dahil kahit bago pa man ang pagsasabatas ng Universal Health Care Law noong 2019 ay ipinatutupad na ito ng PHILHEALTH o Philippine Health Insurance Corporation pero para sa mga indigent o mahihirap na pasyente.
Ayon sa DOH, ang sakop ng NBB ang mga pasyenteng na-admit sa basic accommodation o ward sa 64 na ospital ng DOH. Bahagi ito ng PHILHEALTH insurance coverage, at walang karagdagang requirements pa­ra magamit ito.

Ibig sabihin, ikaw man ay direct contributor o indirect contributor ay maaari itong i-avail sa ilalim ng Universal Healthca­re Act.

Tinatanggal na ang lumang interview/eligibility assessment; basta basic accommodation at ward lang sa DOH hospital at may PHILHEALTH membership o facilitated registration, eligible na.

Mayroong nakulangan sa anunsyo ni Pangulong BBM, dahil ang NBB ay limitado lamang ang bed capacity sa 64 na ospital ng DOH, hindi kasama ang mga ospital na nasa kategorya ng GOCC o government-owned and controlled corporations ka­tulad ng Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, at Philippine Children’s Medical Center.

Ang mga GOCC hospitals na ito ay mga specia­lized hospitals, mas maraming pri­vate rooms, at may sariling subsidizing mo­del.

Kung mayroon namang budget, bakit kinakailangan na li­mi­tahan ang akomodasyon ng mga pasyente at hindi pa talaga kasama ang mahahalagang ospital kung saan mas kailangan ito ng ating mga kababayan.

Para bang nagbigay na nga rin lang, pero hindi pa nilahat, mayroon pang itinago at itinabi.

Hindi rin kasi sakop ang mga pribadong ospital, maging ang Intensive Care Unit, private rooms, at iba pang amenities na mayroong additional charge. Hindi rin pala talaga siya zero balance billing.

Nababahala rin ang DOH sa mas malaking bilang ng pasyen­te na magtutungo sa mga ospital na posibleng magresulta sa overcrowding, mas pahahabain ang oras ng paghihintay, at magdudulot ng strain sa kapasidad ng 64 ospital na may implementasyon nito, ibig sabihin, magsusuplada at magsisimangot na naman ang mga health personnel sa mga pas­yente.

Sa ilalim kasi ng batas, ki­na­kailangan na 10 percent ng bed capacity ng mga pribadong os­pital ay nakalaan para sa cha­rity.

Paglilinaw ng DOH, papasok din naman sa NBB ang mga GOCC hospital sa hinaharap, may mga kinakailangan lamang na ayu­sin sa proseso.

Kahit ward accommodation ay magiging maayos ang kala­gayan ng pasyente pagtitiyak ng DOH dahil 40 sa 64 na mga ospital ay mayroon nang air-condition at hindi na substandard ang serbisyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here