Home NATIONWIDE DOH igigisa sa P11.18B expired na gamot, ‘di nagamit ang medisina

DOH igigisa sa P11.18B expired na gamot, ‘di nagamit ang medisina

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Joel Villanueva ng isang malawakang imbestigasyon sa paulit-ulit na anomalya sa na-expired at hindi nagamit na gamot ng Department of Health (DOH) na umabot nasa P11.18 bi.yon nitong 2023 na natukoy ng Commission on Audit (COA).

Sa panayam, sinabi ni Villanueva na inihain nito ang Senate Resolution No. 1326 at nakipag-ugnayan na sa chairman ng Senate blue Ribbon Committee na pangunguna sa imbestigasyon sa maanomalyang pagbili ng gamot.

Lubhang ikinadismaya ni Villanueva ang COA report na nagpapakita ng paulit-ulit na pagsasayang ng gamot sa DOH sa halip na ipamahagi ng mahihirap.

Noong 2020, umabot sa halagang P95 milyong halaga ng gamot ang na-expired kasunod ng P85 milyon nitong 2021 at P7.4 bilyon nitong 2022.

Lahat ito sa panahon ni dating Health Secretary Francisco Duque na sumabit din sa ilang anomalya sa pandemia.

Ayon kay Villanueva, dapat nalalaman ni Health Secretary TEoforo Herbosa bilang hepe ng ahensiya, ang naturang insidente partikular sa paulit-ulit na problema na umiiral sa nakaraang taon.

“These things should not be happening under the nose of the Department of Health. I’m calling on the secretary—what is he doing about this? PHP11.18 billion is not a small amount of money that could have benefited many people. And this is just for medicines—imagine, they were stockpiled, spoiled, and rendered useless. Now, they’ll just be thrown away,” ani Villanueva.

Pinangunahan ni Villanueva ang payout ng assistance to individuals in crisis situations (AICS) kahit ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec). Ernie Reyes