Home NATIONWIDE Print media nananatiling ‘credible’ sa gitna ng fake news – Poe

Print media nananatiling ‘credible’ sa gitna ng fake news – Poe

Iginiit ni Senador Grace Poe ang kahalagahan ng print media sa pagsugpo sa fake news na tila tumindi sa panahon ng halalan na itinuturing nitong “bastion of accountability and responsibility” sa mabilis na pag-unlad ng digital age.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na kahit mas mabilis ang social media at nagiging viral, nananatiling pinangungunahan ng tradisyunal na print journalism ang ethical practices partikular ang fact-checking.

“Print remains essential in media today because it is seen as a bastion of accountability and responsibility. Print media is trusted and can confidently brand itself as a guardian of truth,” aniya.

Sinabi pa ni Poe na mas matibay ang print at broadcast outlets laban sa mga akusasyon ng maling impormasyon kumpara sa digital news platform at social media.

Ngunit, kinilala din ni Poe ang impluwensiya ng digital platforms tulad ng Facebook at Tiktok sa paghubog ng pampublikong opinion, maapektuhan ang ugali ng consumer at kahit ibalin ang resulta ng Halalan.

“What happens in the digital world affects those in the non-digital arena. Freedom of information and access to accurate and correct information are vital to a democratic state such as ours,” aniya.

Kahit nagsisilbing pamamaraan ang social media platform sa pagkakalat ng nilalaman, tinukoy ni Poe na nakasalalay ang responsibilidad ang accuracy ng content creator tulad ng journalists, blogger o ordinaryong mamamayan.

Tinukoy din ni Poe ang 2023 global study na isang research firm na Toluna na kinalap ng advocacy groups na Two Side, na natuklasan na 71 porsiyento ng respondents ang naniniwala na mas malalim ang pagkakaunawa sa estorya sa pagbabasa ng printed materials.

“Perhaps, print and digital media are complementary, not mutually exclusive. Print media’s virtues of depth, thoroughness, and trust can be married to the speed and wide reach of social media,” aniya.

“Finding the balance and integration of both platforms would be best left to “competent minds,” giit niya. Ernie Reyes