Manila, Philippines- Binasag na ni Buboy Villar ang katahimikan niya patungkol sa mga paratang ng dating kinakasama na si Angillyn Gorens.
Sa 24 Oras interview ay inilahad niya na saksi siya sa physical abuse na dinanas ng kanyang nanay sa kanyang tatay kaya malabo raw na manakit siya ng babae.
Nakipag-meeting na raw siya sa VAWC last year kasama ang magulang ng babae.
Sa ngayon ay uunahin daw ni Buboy magpakalma at magpatawad.
2016 nagsimulang magsama ang dalawa na nauwi sa proposal ni Buboy noong 2017.
Ang balak sana nilang pag-iisang-dibdib sa Amerika ay natuldukan ng hiwalayan nila noong 2020. Trixie Dauz