Home OPINION DOH IPAGBABAWAL ANG “MUKBANG EATING VLOGS CONTENT”

DOH IPAGBABAWAL ANG “MUKBANG EATING VLOGS CONTENT”

106
0

Nag-viral ang pagkamatay ng vlogger na si Dongz Apatan mula sa Iligan City nitong June 14, 2024. Mapapanood ang kanyang pinakahuling content sa Facebook ay ang pagkain ng fried chicken.
Pinag-aaralan ng DOH o Department of Health ang pagbabawal sa mukbang videos dahil nagbibigay umano ito ng ma­ling impormasyon at gawain sa publiko.

Sa opisyal na ulat na natanggap ng DOH, matapos kumain ng fried chicken ay isinugod sa ospital si Apatan ngunit bina­wian din ng buhay noong June 15, 2024 matapos na makaranas ng hemorrhagic stroke sanhi ng pagtaas ng blood pressure. Nagkaroon ito ng blood clot sa utak.

Si Apatan na may 400,000 followers ay kilala sa mga content na may kinalaman sa mukbang o labis-labis na pagkain. May  uploaded videos siya na kumakain ng isang buong ulo ng nila­gang baka at iba pang matatabang pagkain. Pero ito pala ay may high blood o alta-presyon.
Ang alta-presyon ay maaaring maging sanhi ng maraming problema, gaya ng sakit sa puso at sakit sa bato at ang presyon ng dugo ay ang lakas (pressure) ng dugo na dumadaloy sa mga ugat ng mga tao.
Ayon kay health secretary Teodoro Herbosa, ang mukbang ay isang bad practice. Ang overeating umano ay hindi nakabubuti sa kalusugan, naghahatid ito ng hypertension, heart condition, pagkakaroon ng non-communicable diseases, at maging sanhi ng heart attack.

Pinag-iisipan ng kalihim ang pakikipag-usap sa DICT o Department of Information and Communications Technology para ma-ban ang mga mukbang site o video sa mga social media apps.

Ang mukbang na hango mula sa salitang Korean na “meoda” o kain at “bangsong” o broadcast ay nakaeengganyo ng pagkain ng maraming pagkain na hindi maganda sa katawan. Ginagawa itong content ng maraming vlogger dahil sa rami na rin ng tumatangkilik dito.

Paggigiit ng DOH, ang labis-labis na pagkain ay nagreresulta sa eating disorder.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here