Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa Southern Luzon, VisMin

Habagat magpapaulan sa Southern Luzon, VisMin

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang southwest monsoon (habagat) sa western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Biyernes, Hulyo 12.

Ang Mindanao, Western Visayas, Palawan, at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.

Samantala, ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Batangas, Cavite, at Laguna ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil pa rin sa habagat.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC