Home NATIONWIDE DOH: Mag-meditate sa stress-free 2026

DOH: Mag-meditate sa stress-free 2026

307
0

MANILA, Philippines – Sa pagsalubong ng Bagong Taon, hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na gawing ugali ang meditation para sa mas maayos at stress-free na 2026.

Ayon sa 2025 Mind Health Report ng AXA, ang mga Pilipinong may edad 18–34 ay nakakaranas ng mas mataas na stress at mental health issues kaysa sa ibang bansa, kadalasan dahil sa kakulangan sa pera at seguridad sa trabaho, kahit aktibo rin silang humihingi ng tulong.

Sa ulat, 7 sa 10 Pilipino ay nakararanas ng kahit bahagyang anxiety, stress, o depression — isa sa pinakamataas sa buong mundo.

Batay sa World Health Organization, 1 sa 7 kabataan na may edad 10–19 sa buong mundo ay may mental disorder, kung saan ang depression, anxiety, at behavioral disorders ang pangunahing sanhi ng sakit at kapansanan. Ang suicide naman ang ikatlong nangungunang sanhi ng kamatayan sa edad 15–29. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here