Home HOME BANNER STORY DOH maglalabas ng mpox guidelines sa mga negosyo, establisimyento

DOH maglalabas ng mpox guidelines sa mga negosyo, establisimyento

MANILA, Philippines – Maglalabas ng alituntunin sa mpox ang Department of Health (DOH) para sa ibat-ibang settings at establisyimento bilang bahagi ng pagsisikap na pigilan ang higit pang pagkalat ng viral disease.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na nagsasagawa sila ng “consultative and participatory approach” sa pagbalangkas ng mga alituntuning ito, batay sa mga mandato nito sa ilalim ng Sanitation Code (PD 856) at ang Notifiable Diseases Act (RA 11332).

Samantala, binisita ni DOH Secretary Ted Herbosa at Acting City Health Officer Dr. Ramona Asuncion DG. Abarquez ng Quezon City, kasama ang DOH at Quezon City health officials at staff ang dalawang establisyimento noong Sept. 3 upang talakayin ang mpox prevention bilang bahagi ng paghahanda at response measures.

Sinalubong ng Grupo Barbero Manila at New York Spa, na matatagpuan sa kahabaan ng Timog Avenue sa Quezon City, ang sorpresang pagbisita ni Herbosa at ng composite DOH-QC health team.

“The public health officers learned about the operational concerns of the barbershop and the spa, especially in light of the current WHO declaration of mpox as a public health emergency of international concern (PHEIC),” sabi ng DOH.

Sinabi ni Herbosa na pinahahalagahan ng DOH ang kooperasyon ng mga establisyimento tulad ng mga barbershop, salon, at spa sa pagtugon nito laban sa mpox.

Mula noong Setyembre 1, ipinapakita ng datos ng DOH na mayroong 17 kaso ng mpox sa Pilipinas mula noong Hulyo 2022.

Sa mga ito, walong kaso, lahat ay nakita noong Agosto ngayong taon, ay nananatiling aktibo at naghihintay ng mga resulta ng paggamot. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)