Home METRO DOH mananatiling Code White ‘gang bukas, Nob. 2

DOH mananatiling Code White ‘gang bukas, Nob. 2

308
0

MANILA, Philippines – Nanatiling nasa Code White Alert status ang Department of Health (DOH) hanggang bukas, Nobyembre 2.

Sa nasabing alerto, ang lahat ng DOH hospitals, central at regional offices nito ay handa maging ang kanilang health workers kaugnay ng isang malawakang aktibidad tulad ng Undas.

Dalawang fully-equipped emergency ambulances o level 3 ambulances din ang naka-standby sa Manila North at Manila South Cemetery sakaling may mga pasyente sa sementeryo na kailangan itakbo sa emergency rooms.

Patuloy naman ang paalala ni Sec. Ted Herbosa na ugaliin ang pagtatakip ng bibig kapag umuubo, paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol, lalo na’t flu season pa rin ngayon.

Magbaon din ng inuming tubig at dalhin ang maintenance na gamot, lalo na kung magtatagal sa sementeryo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here