MANILA, Philippines – Apektado ng shear line ang silangang bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong Linggo, Nobyembre 2.
Kasabay nito, Northeast Monsoon naman o Amihan ang iiral sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon.
Sa ulat ng PAGASA, asahan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Ilocos Region at Batanes dahil sa Amihan.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan naman at thunderstorm ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley dahil sa Shear Line.
Samantala, ang Northern Samar, Eastern Samar, at Dinagat Islands ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa trough ng tropical storm na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC