MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado, Nobyembre 1 na dapat payagan ang Office of the Ombudsman na gawin nito ang trabaho para maparusahan ang mga kurakot na opisyal ng pamahalaan at empleyado sa maanomalyang flood control project.
“It’s time to let the ICI (Independent Commission for Infrastructure) do its work and let the Ombudsman do his work and let the DOJ (Department of Justice) do their work, and then that is on the legal side na hinahabol natin ‘yung mga na-identify na kasama dito sa napakalaking sistema ng corruption,” sinabi ni Marcos.
Kamakailan ay sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na plano nitong magsampa ng mga reklamo laban sa high-ranking government officials at mga kasabwat nito sa maanomalyang flood control projets, sa Sandiganbayan pagsapit ng Nobyembre 25.
Ang tinutukoy ni Remulla ay mga empleyado ng pamahalaan na may Salary Grade 27 at ang mas mataas pa rito ay sa ilalim ng hurisdiksyon ng Sandiganbayan. RNT/JGC