MANILA, Philippines – Importanteng panatilihin ang malinis na kapaligiran at sarili para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko.
Paalala ng Kagawaran, importante na walang anumang daga sa paligid lalo na’t ito ang nagdadala ng sakit na Hantavirus Pulmonary Syndrome (HPS) sa tao.
Base sa pag-aaral, kumakalat ito sa ihi, dumi, at laway ng daga na madalas ay nasa maruruming lugar.
Ang HPS (Hantavirus Pulmonary Syndrome) ay isang malalang sakit na maaaring magdala sa kamatayan kapag hindi naagapan.
Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention, halos apat sa bawat 10 kaso ng Hantavirus Pulmonary Syndrome (HPS) ay namamatay dulot ng komplikasyon nito.
Sa ngayon, walang kumpirmadong kaso ng HPS sa Pilipinas kaya’t habang mababa ang risk ng pagkalat nito, importanteng panatilihing pa rin ang kalinisan.
Pero tiniyak din ng DOH na handa ang mga paliparan at pantalan sa border screening ng DOH-Bureau of Quarantine (DOH-BOQ). Jocelyn Tabangcura-Domenden