Home METRO DOH nag-deploy ng P33.6M health supplies sa 11 rehiyon

DOH nag-deploy ng P33.6M health supplies sa 11 rehiyon

344
0

MANILA, Philippines – Naglaan ng P33.6 milyong halaga ng health commodities ang Department of Health sa 11 rehiyon sa bansa bilang paghahanda sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Tino at Uwan.

Kasama sa mga commodities ang mga essential medicines, hygiene kits, at emergency health supplies.

Inatasan ni  DOH Secretary Ted Herbosa ang mga regional offices na siguraduhin ang  kahandaan 24/7 at patuloy na medical response, lalo na sa mga ospital at evacuation centers.

Ang mga ito ay estratehikong ipinamahagi sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Cordillera Administrative Region, at Negros Island Region.

May tatlong Philippine Emergency Medical Assistance Teams na nakahanda rin para sa agarang deployment.

Ipinaalala ng DOH ang price freeze sa 146 essential medicines sa buong bansa sa loob ng 60 araw mula nang magdeklara ng state of calamity si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sundin ang mga local government advisories. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here