Home NATIONWIDE DOH nag-inspeksyon sa mga ospital sa DavOr

DOH nag-inspeksyon sa mga ospital sa DavOr

322
0

MANILA, Philippines – Nag-inspeksyon ang Department of Health (DOH) at iba pang kalihim sa Manay, Davao Oriental matapos na lubhang maapektuhan ng kambal na lindol ang Davao Oriental Provincial Hospital.

Nauna nang umagapay sa mga pasyente ng nasirang ospital ang emergency team ng kagawaran at nagtayo ng mga medical tents.

Nag-deploy din ng healthcare workers bilang pag-agapay sa pangangailangan ng mga pasyenteng inilikas mula sa napuruhang ospital ng probinsya.

Kasama ng DOH ang Pangulo sa pag-iinspeksyon sa nasirang ospital.

Agad namang inactivate ang Emergency Medical Team (EMT) ng DOH-Southern Philippines Medical Center (DOH-SPMC) matapos ang pangalawang lindol sa Manay noong Biyernes ng gabi.

Kabilang sa mga health personnel na nakadeploy ay mga doktor, nurse, midwife, pharmacist, physical therapist, biomedical engineer, at admin support staff.

Patatakbuhin din ang Drinking Water Treatment Plant Mobile Unit para magkaroon ng access sa malinis na tubig ang lugar.

Available mula sa mga serbisyo ng DOH ang medical at public health commodities, WASH-related at nutrition items.

Binisita rin ni Herbosa at pangulo at iba pang kalihim ang Tarragona, na katabing bayan ng Manay, para sa assessment at patuloy na paglalatag ng mga stratehiya ng magsisiguradong tuloy-tuloy ang serbisyo para sa mga apektado ng lindol. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here