Home METRO DOH nagbabala sa ashfall ng Mayon; pagsusuot ng mask, pag-iwas sa danger...

DOH nagbabala sa ashfall ng Mayon; pagsusuot ng mask, pag-iwas sa danger zone, ipinayo

61
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga residente malapit sa Mayon Volcano sa posibleng panganib na dulot ng ashfall.

Payo din ng DoH, mas mainam kung magsuot ng face mask, partikular ang N95 kung mayroon, o gumamit ng basang tela upang maprotektahan ang ilong at bibig laban sa maliliit na particles na maaaring magdulot ng iritasyon sa lalamunan at sa baga.

Pinaiiwas din ang mga residente na huwag lumapit sa permanent danger zone ng bulkan dahil sa mataas na konsentrasyon ng nakalalasong usok sa mga lugar na malapit dito.

Inirerekomenda ang pagsasara ng mga pinto at bintana at paglalagay ng basang tela sa mga siwang upang maiwasan ang pagpasok ng abo sa loob ng bahay kung kinakailangan.

Pinapayuhan din ang publiko na uminom ng sapat na tubig upang manatiling hydrated at mabawasan ang epekto ng ash fall sa katawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here