MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Hulyo 18 laban sa pagkain ng wild mushroom matapos mapaulat ang pagkalason ng 24 katao sa Mountain Province at Benguet.
“It is better to avoid picking wild mushrooms especially if we are not sure if they are not poisonous,” sinabi ni Karen Lonogan, Development Management Officer IV at hepe ng Regional Epidemiology and Services Unit ng Department of Health-Cordillera Administrative Region (DOH-CAR).
Ani Lonogan, naitala ang 11 kaso ng pagkalason sangkot ang 34 katao sa apat na munisipalidad ng Benguet at lima mula sa Mountain Province mula Mayo 21 hanggang Hunyo 27.
Sa 34 na mga biktima, 25 ang dinala sa iba’t ibang ospital habang ang iba ay nakauwi na ng bahay.
“Fortunately, there was no casualty because the victims were immediately brought to medical facilities where they received immediate treatment,” sinabi pa ni Lonogan.
Nauna nang nagbabala ang DOH at Department of Agriculture (DA) Cordillera offices sa publiko sa pagkain ng wild mushrooms dahil sa mga ulat ng food poisoning dahil dito.
Hinimok ng dalawang ahensya ang publiko na bumili na lamang direkta sa mga nagtatanim ng ligtas na mushroom.
Karaniwang tumutubo ang mga mushroom sa mga palayan at kagubatan tuwing tag-ulan.
Sinabi ng DOH na ang mga mushroom na hindi maaaring kainin ay nagtataglay ng toxins na tumatarget sa gastrointestinal system at nervous system. RNT/JGC