MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng mga pangangati o allergies.
Ayon sa DOH, ang allergy ay hindi lamang simpleng pagbabahing o pangangati, dahil maaari itong mauwi sa anaphylactic shock.
Ito ay isang seryosong kondisyon na maaaring maging banta sa buhay ng isang tao.
Payo ng DOH, dapat bantayan ang mga sintomas nito tulad ng pantal at pamamaga, paninikip ng dibdib, mabilis na tibok ng puso, at biglaang pagbagsak ng presyon.
Ayon sa ahensya, sakaling makaranas ng mga ito, kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)