MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pekeng Facebook page na maling nag-uugnay sa ahensya sa isang umano’y “nutritional milk” na produkto na sinasabing nagpagpapagaling ng chronic insomia.
Nagpapanggap na DOH ang mapanlinlang na FB page, nagmumungkahi na ang mga indibidwal na may mga isyu sa pagtulog ay dapat humingi ng wastong suporta at nagpahiwatig na ang isang baso ng nutritional milk araw-araw ay maaaring mapabuti ang kalusugan.
Nilinaw ng DOH na hindi nito ineendorso, inaaprubahan, o kinikilala ang produktong ipino-promote ng pekeng page.
Binigyang-diin ng DOH na ang mga mapanlinlang na pahayag ay maaaring magdulot ng banta sa kalusugan ng publiko.
Pinaalalahanan pa ng ahensya ang publiko na manatiling maingat sa mga mapanlinlang na marketing tactics na kadalasang umaasa sa mga gawa-gawang testimonial, pekeng pag-endorso ng mga eksperto, at exaggerated health claims.
Sinabi ng DOH na natukoy nito ang mapanlinlang na pahina sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para alisin.
Hinihikayat din ng DOH ang publiko na sundin lamang ang mga opisyal na social media account ng ahensya. Jocelyn Tabangcura-Domenden