Home NATIONWIDE DOH nagbigay ng physical at mental health check sa Pinoy repatriates mula...

DOH nagbigay ng physical at mental health check sa Pinoy repatriates mula Middle East

236
0

MANILA, Philippines – Nagbigay ng physical at mental health check-up ang Department of Health (DOH) sa mga repatriates na apektado ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon sa DOH, dumating sa bansa ang 31 Pilipinong repatriates nitong Martes ng umaga.

Kabilang sa mga repatriates ang 26 na mula sa Israel, 3 sa Jordan, 1 mula Palestine, at 1 mula sa Qatar.

Bahagya naman umanong naantala ang repatriation flight kahapon ng umaga dahil sa iniulat na pagsasara ng Qatar airspace.

Pasado alas-siyete nang makalapag ang eroplano sa NAIA lulan ang ating mga kababayan.

Kasama ni DOH Secretary Ted Herbosa si DMW Secretary Hans Cacdac na sinalubong ang mga Pilipino repatriates. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here