Home METRO DOH nagpamahagi ng P3M health supplies sa Mayon bakwits

DOH nagpamahagi ng P3M health supplies sa Mayon bakwits

143
0

LEGAZPI CITY — Naghatid ang Department of Health sa Bicol (DOH-5) ng mahigit P3 milyong halaga ng medical supplies para sa higit 5,000 residenteng naapektuhan ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon mula pa noong Enero.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga residente mula sa Tabaco City, Malilipot, Camalig, Ligao City, at Guinobatan na nakatanggap ng mga pangunahing gamot, face mask, hygiene kits, water sanitation materials, at iba pang emergency medical supplies.

Ayon sa DOH-5, patuloy ang pagre-replenish ng mga suplay habang nagpapatakbo ng 24/7 operations center at naglalagay ng medical stations sa mga evacuation center upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyong pangkalusugan.

Samantala, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang patuloy na aktibidad ng bulkan, kung saan umabot sa 3.8 kilometro ang lava flow sa Basud Gully, kasabay ng daan-daang volcanic earthquakes, rockfall, at pyroclastic density currents sa nakalipas na 24 oras.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang publiko na manatiling alerto, sundin ang mga abiso, at ipagpatuloy ang pagsunod sa health at safety protocols upang maiwasan ang panganib. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here