Home NATIONWIDE DOH-primary care centers gagawing moderno

DOH-primary care centers gagawing moderno

Plano ni Health Secretary Ted Herbosa na gawing moderno ang primary care centers sa barangay level para tugunan ang hindi pagkapantay-pantay sa serbisyong pagkalusugan sa mga mahihirap ba pamilya.

Sinabi ni Herbosa na magtatayo ng mga ambulatory care center na kumpleto ang laboratoryo at gamot upang hindi na makikipagsiksikan sa mga hospital ang mga tao.

Aniya, nais ng ahensya na gawin ang planong ito na complementary type ng health station sa lahat ng local areas kabilang ang rural health units.

Sinabi rin ng kalihim na pinabuti rin ang bed capacities ng mga hospitals kaya naman target nila ngayon na pagandahin ang mga health facility sa mga lugar kung saan nahihirapan ang mga tao na bumisita sa mga regional hospital.

Bahagi ng prayoridad ng DOH ngayong taon na itaas ang immunization rate ng mga bata na limang taon pababa at pababain ang rate ng under-nutrition mula 27% hanggang mas mababa sa 15% .

Dagdag pa, layon ng DOH na tugunan at subaybayan ang maternal mortality, teenage pregnancy,HVI cases at non-communicable diseases tulad ng high blood pressure, heart problems, diabetes, at cancer sa bansa.

“Ang tutok natin yung ambulatory health care natin lalagyan natin ng teenage health clinic para mapuntahan ng ating kabataan na may problema sa kalusugan,” sabi ni Herbosa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePagbabalik ni McGregor sa octagon, inaabangan
Next articleAngelica, Mrs. Homan na!