Home ENTERTAINMENT Angelica, Mrs. Homan na!

Angelica, Mrs. Homan na!

Manila, Philippines- Masayang inanunsyo ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account nitong unang araw ng January 2024 na isa na siyang ganap na Mrs. Angelica Panganiban-Homan.

Tila sa isang events place idinaos ang pag-iisang-dibdib ng aktres kay Gregg.

Si Gregg ang ama ng kanilang anak na si Amila Sabine, born in September 2022.

Naging engaged couple naman sina Angelica at Gregg noong May last year.

Simple lang ang post ng aktres sa IG. Naroon ang petsa ng kanilang intimate wedding on the last day of 2023.

Dinugtungan niya ito ng: “Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat, ang pagmamahal ang kakapitan.”

Bumuhos ng maraming congratulatory messages ang post ni Angelica mula sa mga kapwa artista.

Angelica’s last social media post ay nitong latter part ng November kung saan nasuri siyang nagtataglay ng avascular necrosis o “bone death.”

Mas pinili ni Angelica na sumaiialim sa conservative approach ng pagpapagamot.

Mula sa Remate Online, congratulations and best wishes, Mr. and Mrs. Angelica Panganiban-Homan! Ronnie Carrasco III