NAIROBI, Kenya — Dalawang lalaki ang inaresto kaugnay sa pagpatay sa Ugandan Olympic runner na si Benjamin Kiplagat, na natagpuang patay dahil sa saksak sa isang kotse sa Kenya noong Bisperas ng Bagong Taon, ayon sa mga pulis kahapon.
Isang kutsilyo na hinihinalang ginamit sa pagpatay kay Kiplagat ang natagpuan sa isa sa mga suspek, sabi ni Moiben sub-county police commander Stephen Okal.
Lumilitaw na pagnanakaw ang motibo ng pagpatay sa 34 years old na si Kiplagat dahil nawawala ang pera at cellphone nito.
Naputol ang lalamunan ni Kiplagat, sabi ng pulis. Natagpuan siyang patay sa kotse ng kanyang kapatid noong Linggo noong madaling araw sa labas ng Eldoret, isang mataas na bayan sa kanlurang Kenya na kilala bilang isang training base para sa mga piling atleta.
Nakipagkumpitensya si Kiplagat sa tatlong Olympic games at anim na world championship sa 3,000-meter steeplechase. Nanalo siya ng bronze medal sa 2012 African championships.
Si Kiplagat ang ikaapat na atleta na napatay sa lugar nitong mga nakaraang taon.
Dalawang beses na cross country world champion na si Agnes Tirop ang napatay sa kanyang tahanan sa kalapit na bayan ng Iten noong 2021.
Ang kanyang asawa ay nililitis na kinasuhan ng murder.
Natagpuan ang naaagnas na katawan ni Damaris Muthee na ipinanganak sa Kenyan na Bahrain runner sa bahay ng isang lalaking Ethiopian na atleta noong 2022. Ang atleta ang pangunahing suspek sa kanyang pagkamatay ngunit hindi pa nahuhuli.
Ang Rwandan runner na si Rubayita Siragi ay pinatay noong Agosto sa pinaniniwalaan ng pulisya na isang away sa isa pang atleta dahil sa isang babae.JC