Manila, Philippines- Having learned his lesson on being practical in life, medyo nakakabangun-bangon na raw si Janus del Prado.
Si Janus among the male celebrities ang pinakamalapit kay Bea Alonzo.
Itinuro ni Janus ang pandemya bilang dahilan kung bakit dumausdos siya financially.
Aminado ang isa sa mga cast member ng Black Rider ng GMA na dahil ‘yon sa kawalan niya ng emergency funds.
Hindi raw kasi napaghandaan ni Janus ang nasabing health crisis, buti na lang daw ay tinulungan siya ng kanyang mga kaibigan.
Ngayon ay nakakaalwan-alwan na raw siya, plus the fact na napagtanto niya ang kahalagahan ng pagiging financially sound.
Nagsilbing gabay rin daw sa kanyang pag-iipon ang radio anchor na si Chinkee Tan na nagbabahagi ng mga money-saving tips.
Binawasan na rin daw ni Janus ang pagbili-bili ng mga bagay na walang katuturan.
“Natutunan ko ‘yon mula kay Chinkee, na bago mo bilhin ang isang bagay ay tanungin mo muna ang iyong sarili kung kaya mo ba siyang bilhin nang tatlong beses,” aniya.
To prove his point, may iba raw kasi na merong limang milyong piso bilang pambili ng bahay.
Makakabili nga raw sila given that sum of money pero masasaid naman ang kanilang pera.
In the process, wala na raw matitira para maglaan ng emergency funds.
In Janus’ case, nagkakasya raw siya ngayon sa kanyang motorsiklo sa halip na mamahaling sasakyan.
Mababa lang daw ang cc nito, kaya ‘yung P500 budget niya panggasolina ay tumatagal nang isang linggo.
Kilalang defender ni Bea si Janus lalo na noong ghinost ang aktres ng nobyong si Gerald Anderson.
Bea has a newfound love now sa katauhan ni Dominique Roque, at malapit na ngang ikasal.
Bilang BFF ng aktres, tiyak na isa si Janus sa mga piling kapwa celebrities na iimbitahan sa kanilang kasal.
Pero ngayon pa lang daw ay sasabihin na ni Janus that even if invited ay wala siyang balak na um-attend ng kasal ng kaibigan lalo’t kung idaraos ito sa ibang bansa.
Most likely kasi ay sa Madrid, Spain posible raw magpalitan ng I do’s ang engaged couple since Bea owns a property there.
Hindi raw makakasipot si Janus dahil nagtitipid siya.
Unless all-expense paid? Siyempre naman Ronnie Carrasco III