Home ENTERTAINMENT Kim at Bela, bumisita kay Kris!

Kim at Bela, bumisita kay Kris!

Manila, Philippines- Unusual o kakatwa ang pananahimik ni Kris Aquino before the year 2023 ended.

Ito’y sa kabila ng pagkakaroon ni Kris ng maibabahagi sa kanyang social media account.

Viral kasi ang video na mismong si Batangas Vice Governor Marc Leviste ang kumuha.

Ipinakita sa video ang muling pagdalaw ni Kim Chiu kay Kris sa tinitirhan nito sa Orange County sa Los Angeles.

This time around, isinama ni Kim ang close friend niyang si Bela Padilla.

Seen in the video kung paanong tuwang-tuwang sinalubong nina Joshua at Bimby sina Kim at Bela.

Kinarga pa ni Bimby si Kim at hindi matapus-tapos ang kanilang yakapan.

llang sandali pa, Bimby ushered Kim and Bela to his mother’s room.

Humingi ng paumanhin si Kim dahil they got caught daw in the traffic.

Nag-“How are you?” naman si Bela after being introduced by Kim.

All along ay hindi ipinakikita si Kris sa video na balitang pumayat pa raw.

Nakapagtatakang undocumented as far as Kris’ socmed account is concerned, ang pagbisita nina Kim at Bela.

Kris’ last post ay noon pang November 28 last year.

Kris’ supporters are hoping na walang cause for alarm ang “socmed break” nito. Ronnie Carrasco III

Previous articleJanus, walang balak sumipot sa kasal ni Bea!
Next articlePinas posibleng masapul ng 1 tropical cyclone ngayong Enero – PAGASA