Home NATIONWIDE Pinas posibleng masapul ng 1 tropical cyclone ngayong Enero – PAGASA

Pinas posibleng masapul ng 1 tropical cyclone ngayong Enero – PAGASA

MANILA, Philippines- Posibleng isa lamang na tropical cyclone ang mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Enero, ayon sa PAGASA.

Batay sa PAGASA, naiulat na maaaring isang tropical cyclone lamang ang mag-landfall sa Eastern Visayas o sa CARAGA region.

Maaari ring lumihis ng landas ang tropical cyclone.

Anang PAGASA, sa kasalukuyan ay wala itong namo-monitor na tropical storm sa loob o labas ng PAR.

Nakaaapekto ang Amihan o ang Northeast Monsoon sa Northern at Central Luzon ngayong Martes habang nagpapaulan naman ang easterlies sa ibang bahagi ng bansa.

Inaasahan na uulanin ang ilang lugar sa bansa ngayong hapon. RNT/SA

Previous articleKim at Bela, bumisita kay Kris!
Next articleCHED: SHS Program ihihinto na sa SUCs, LUCs