Home NATIONWIDE DOH sa publiko: Email na nagpapanggap bilang si Sec. Herbosa peke

DOH sa publiko: Email na nagpapanggap bilang si Sec. Herbosa peke

MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang publiko na maging alerto laban sa isang email na nagpapanggap bilang si Health Sec. Ted Herbosa.

Sa abiso, sinabi ng ahensyang “this email is not owned by the Secretary of Health. Furthermore, any statements comments, and transactions made by this email does not represent Secretary Herbosa.”

Nagbabala rin ang ahensya na kakasuhan ang may pakana ng posts at mga mensahe.

“The DOH continues to enjoin the public to source information only from legitimate sources and platforms such as the health department, which can be accessed through the links and social media handles below,” dagdag nito.

Ang official social media pages ng Health department ay DOHgovph sa Facebook at X (dating Twitter) at @doh.philippines sa Instagram, habang ang website nito ay www.doh.gov.ph. RNT/SA

Previous articleKarahasan vs menor-de-edad na kababaihan ikinabahala ng CHR 
Next article‘Kariton ng Bagong Buhay at Pag-asa’ sa Manila City Jail gumulong