Home NATIONWIDE Karahasan vs menor-de-edad na kababaihan ikinabahala ng CHR 

Karahasan vs menor-de-edad na kababaihan ikinabahala ng CHR 

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Martes sa mga awtoridad na agad na respondehan at panagutin ang mga may sala sa mga kaso kamakailan ng pagpaslang at pang-aabuso sa mga menor-de-edad na kababaihan.

Kabilang sa mga kasong tinutukoy ng CHR ang pitong anyos na babae na natagpuang nakasilid ang bangkay sa General Santos City, at hinihinalang pinagsamantalahan bago pinaslang ng kanyang 74-anyos na kapitbahay.

Binanggit din ng Komisyon ang kaso ng isang babaeng naaresto dahil sa ilegal na pag-aalok sa ng kanyang dalawang anak, edad 11 at 13 taong gulang,  maging 8-anyos na kapitbahay para sa online sexual exploitation.

“The CHR expresses profound denouncement of these despicable incidents. We emphasize that the protection and promotion of the rights of girls and children are essential components of fostering a just and equitable community,” giit ng CHR.

“In line with this, we continue to call on authorities to take swift and decisive action to ensure that perpetrators are brought to justice and that comprehensive measures are put in place to prevent such atrocities from happening again and to protect the well-being and rights of all children,” dagdag nito. RNT/SA

Previous articleSa gitna ng banta ng pertussis, sobrang init blended learning ipatupad – solon
Next articleDOH sa publiko: Email na nagpapanggap bilang si Sec. Herbosa peke