Home NATIONWIDE DOH sa publiko: Go bag, first aid kit ihanda sa banta ng...

DOH sa publiko: Go bag, first aid kit ihanda sa banta ng aftershocks, tsunami sa Davao

355
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa Davao Region na paghandaan ang posibleng aftershock at banta ng tsunami kasunod ng magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental.

Paalala pa ng DOH na laging maghanda ng first aid kit at Go bag na naglalaman ng tubig, pagkain, at iba pang essential na gamit sa pagtulog at hygiene na maaaring mabitbit sakaling kailanganing lumikas dahil sa posibleng tsunami.

Yumanig ang magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental at mga karatig nitong probinsya alas-9 kaninang umaga, kaya naman nagtaas ng tsunami warning ang PHIVOLCS sa mga probinsya.

Kabilang rito ang Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.

Makikita ang listahan ng Go bag at iba pang paalala sa official Facebook account ng DOH.

Maaari namang tumawag sa 🚨 Emergency Hotline 911 o kaya sa DOH Hotline 1555, press 3. — Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here