Home NATIONWIDE DOH Sec. Herbosa, 16 officials hinabla sa Ombudsman sa P1.5B expired na...

DOH Sec. Herbosa, 16 officials hinabla sa Ombudsman sa P1.5B expired na gamot

146
0

MANILA, Philippines – Sinasampahan ng panibagong kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman si Health Secretary Teodoro Herbosa at 16 iba pang opisyal ng Department of Health (DOH) kaugnay ng umano’y ₱1.5 bilyong halaga ng expired na gamot at bakuna na tinaguriang “dead stock.”

Ayon sa 33-pahinang reklamo ng grupong nagsasabing “concerned DOH personnel,” inakusahan ang mga opisyal ng graft, serious dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to public service. Hiniling din nila ang preventive suspension ng mga ito.

Kabilang sa reklamo ang umano’y hindi naipamahaging gamot at bakuna na nanatili sa warehouse hanggang ma-expire, kabilang ang mga gamot para sa family planning, mental health, at HIV programs.

Ayon sa reklamo, umabot sa ₱1.319 bilyon ang hindi naipadalang bakuna, habang ilang psychiatric medicines at antiretrovirals ay nag-expire o nalapit nang mag-expire sa imbakan.

Sinabi rin ng mga nagreklamo na kahit may mga abiso na tungkol sa overstocking at posibleng expiration, hindi umano agad naaksyunan ang paglipat o pamamahagi ng mga supply.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Herbosa sa mga paratang sa oras ng paglalathala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here