Home ENTERTAINMENT SB19 Pablo, kabado sa AI!

SB19 Pablo, kabado sa AI!

162
0

Manila, Philippines – Sa isang interview, nausisa ang SB19 member na si Pablo kung ano ang take niya sa AI (artificial intelligence) generated content na nagiging palasak na sa digital world.

Aniya, naniniwala siyang kasama ito sa pagbabago ng teknolohiya.

Gayunpaman, may disadvantage daw ito dahil apektado ang karapatan ng artists at creators.

“I think AI is a very powerful tool. Ako personally, strong believer po ako ng innovation. I think it’s really important.

“But siguro po, not at the expense na ninanakaw na yung identity ng mga artists [at] yung creative rights,” aniya.

Seryosong banta rin daw ang AI lalo na kung nananakaw ang kanilang content nang walang permiso.

“Nagiging dangerous po kasi siya kapag walang consent ng mga artist at ginagamit yung mga gawa nila,” esplika pa niya.

Hirit pa niya, may legalidad na sangkot din daw sa ganitong klase ng usapin na dapat pagtuunan.

“So, for these softwares or companies to use [their songs] without their consent, I think it’s very unethical. I think it should be illegal,”paliwanag niya.

“Sana yung mga gumagawa pa ng ganitong mga innovation dapat mas panatilihin pa nila yung rules or maging strict sila pagdating sa paggamit,” dugtong niya.

Binigyang-diin din niya ang dapat na maging control ng artists sa kanilang creation.

“Dapat yung mga artist has the sole control if gusto nilang ipagamit yung identity nila or yung creative outputs nila sa mga ganitong klase ng bagay,” sey niya.

“Pero naniniwala po kami na innovation is very important, kailangan lang ma-regulate ng maayos and maprotektahan yung mga artists talaga na naghihirap sa ganitong klase ng art,” pahabol niya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here